first love:: razor
FEBRUARY 19, 2012 = Monday
5 lang kami sa room. nag p’practice kasi sa quadrangle yung iba ee, prom. kasama ko si besty at bhesh. andon din si first love pati yung William Silent ng section namin.
nilabas ko yung razor na binili ko kaninang umaga. binuksan ko lang. di PA naman ako maglalaslas. :D ang oa ng interpretation ni besty ee. ee syempre concern si besty keya bigla niya kong pinigilan, salita lang naman. eto naman si first love echusero biglang lumapit. pinapigilan naman ako ni besty kay first love. gulat ako biglang inagaw ni first love saken yung razor ko. muntik na ko madali aa! hablotin daw ba bigla.
“huy! *hablot* anong gagawin mo??”
“huh? wala. binuksan ko lang naman ee.”
“bat mo binuksan tsaka bat meron ka nito?? anong gagawin mo dito??”
“wala! magla….”
oops! muntik na ko madulas aa. :D
he checked if am okay. tinignan niya yung pulse ko sabay palo.
“aray! makapalo aa.”
“wag mo gagawin yon aa?? wag ka maglalaslas.”
“oo na po.”
“ui, wag aa?”
“oo nga. kulit.”
inaamin ko. HINDI AKO KINIKILIG. pero SOBRANG naappreciate ko yung concern niya. as in like awwwwe! kahit na lagi ko siyang sinusupladahan ee he still cares about me. buti pa siya. DI GAYA NG SECOND LOVE KONG UGOK. ((: katouch lang kasi. narealize ko na kahit na irritated ako sa kanya parati ee mabait pala talaga siyang tao. ((: